PINADALHAN ni Kris Aquino ng importanteng mensahe ang kanyang very close friend na si Boy Abunda tungkol sa update ng kanyang kalagayan ngayon. Binasa ito ng TV host sa kanyang programang Fask Talk with Boy Abunda ang madamdaming mensahe ni Kris. Sa mismong araw ng kaarawan ni Kris last February 14 ay pinag-promise niya na huwag umiyak si Kuya Boy habang binabasa ang importante update ng kanyang health. Ayon naman kay Kuya Boy ay pipilitin niyang huwag umiyak habang binabasa ang ipinadalang mensahe ni Kris. “Tomorrow, she is celebrating her birthday. And we`re going live again tomorrow, dahil Kris requested me to read a very important statement tungkol sa kanyang kalagayan.” Sabi nga niya, “Utang ko sa milyun-milyong tao na nagdarasal para sa akin.” Dagdag pa ni Kris, “Boy. it has to be you. You have to read my statement para maunawaan ng tao.” Sabi niya sa akin, ”Para mas maintindihan ng mabuti, promise me. Boy, you will not cry.” Sabi ko, “Kris, aantayin ko ang iyong statement and I will try not to cry.”
Marami ang naawa at naiyak sa latest statement ni Kris sa show ni Kuya Boy. Nakakatakot ang sinabi ni Kris na anytime ay puwedeng ma-cardiac arrest, kahit sa pagtulog dahil sa hindi na talaga maganda ang lagay ng kanyang puso. Simula sa Lunes ay may bagong gamot na susubukan sa kanya na never pang ginamit sa iba dahil napakadelikado nito. Sa kondisyon kasi ni Kris ngayon na allergic sa halos lahat ng klase ng gamot. Nahihirapan na ang kanyang mga doctor na hanapin ng solusyon ang kanyang auto immune diseases.
Kaya naman sobrang pasasalamat ni Kris sa mga tao patuloy na nagdarasal para sa kanya. Inamin ni Kris na bonus na lang ang buhay na ibinibigay sa kanya ngayon ng Panginoon dahil ayaw pa niyang sumuko para sa dalawang anak na sina Joshua at Bimby na patuloy siyang lalaban sa kanyang karamdamang hangga`t di pa nagiging adult ang kanyang bunsong anak na 16 tears old pa lang ngayon. Sinabi rin ni Kris na anuman ang mangyari sa kanya ay hindi pababayaan ni Kuya Boy at kanyang mga kapatid ang kanyang dalawang anak. Kahit patuloy ang paglaban ni Kris sa kanyang kalagayan na anytime ay may hindi magandang mangyayari sa kanya ay inihabilin na niya sina Joshua at Bimby kay Boy Abunda. Nakakasiguro kasi si Kris na hindi pababayaan ni Kuya Boy ang dalawa niyang anak at agad na lilipad ang King of Talk pa-America sakaling may hindi magandang mangyari sa kanya.