TRAHEDYA SA PAMILYA- Isang pulis nabaril ang sariling asawa nadamay pa pati ang paslit nilang anak. Suspek nagbaril din sa sarili matapos makitang patay na ang kaniyang mag ina. Kinilala ang pulis bilang BOSSING dahil mabait ito at madaming kaibigan at mahilig din tumulong sa kanilang lugar. Pero tila nawala ito sa sarili kaya nagawa ang karumal dumal na krimen.
Batay sa ulat, dakong ala 1:07 ng madaling araw kaninang umaga ng umuwi sa kanilang bahay sa Barangay Hawan Ilaya, Virac Catanduanes, ang pulis na si Patrolman Jaymart Sarmiento Malasa at nagkaroon ng pakikipagtalo sa asawang si Joy Villegas Malasa. Sa kainitan ng pagtatalo, binunot ni Pat. Malasa ang kaniyang baril at binaril sa likurang bahagi ng ulo ang kaniyang misis na tumagos at tumama sa anak nilang 3 taong gulang na lalaki na karga karga naman ng misis.
Sinubukan pa sanang gamutin ang kanilang anak mgunit hindi na ito nakaligtas.
Nakuha sa crime scene ang isang 9mm na baril at dalawang basyo ng bala.
Tinitingnan din ang anggulong selos sa rason kung bakit nagawa ito ng suspek na pulis.| Radyo Bicolandia News Online