ALICE GUO, NAHULI NA SA INDONESIA



Naaresto na sa Tangerang City, Indonesia dakong ala-1:30 ng madaling araw ang sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo nitong Miyerkules ng madaling araw, ayon sa mga opisyal ng National Bureau of Investigation.

Ito ay kinumpirma ni Sen. Sherwin Gatchalian na nagsabing nasa kustodiya na ng Indonesian police si Guo na tumakas sa Pilipinas kasama ang kanyang mga kapatid at isang kasosyo sa negosyo noong Hulyo 18 ng kasalukuyang taon.
Samantala, pinapurihan ni Department of Justice (DOJ) Secretary ang pagkakaaresto kay Guo sa Indonesia.
"The arrest of Alice Guo is a testament to the tireless efforts of our law enforcement agencies and the strength of international cooperation in bringing fugitives to justice. We will ensure that all legal processes are followed to hold her accountable for any crimes committed,” sabi ni Remulla sa isang statement.
Inaasahang ililipat ng Indonesian authorities ang kustodiya ni Guo sa Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation (NBI) sa lalong madaling panahon tulad ng sinapit ng kanyang kasamahan na sila Shiela Guo at Cassandra Li Ong na dinampot naman sa Batam, Indonesia noong Agosto 21.