Diego nagsalita na sa lagay ng relasyon nila ni Barbie!

 



Tama ang ginawa ni Diego Loyzaga sa press conference kamakailan ng first ever movie team up nila ni Barbie Imperial, ang real-life sweetheart n’ya na mukhang ilang buwan na rin n’yang ka-live-in.

Sinabihan ni Diego ang showbiz press na huwag nang ungkatin pa ang mga tsismis tungkol sa buhay nila ni Barbie.

Aniya: “If other people are mentioned who are not part of this project, wala na kaming dalawa kailangang sabihin pa. At hindi rin kami ni Barbie ang mga tipo ng tao na kailangang manira or magsalita tungkol sa ibang tao para malinis ‘yung mga pangalan namin. There’s nothing that we need to clean in the first place. Happy kami! Happy kami!”