Mga hindi bakunado sa Germany, ni-lockdown na; sapilitang pagbabakuna ikinasa
Isinailalim na ng pamahalaang Germany sa lockdown lahat ng mamamayan at iba pang naninirahan sa nasabing bansa na hindi bakunado laban sa coronavirus disease-19.
Ikinasa na rin nito ang sapilitang pagbabakuna sa Pebrero 2022 at itinutulak na ang parliamento para sa kaukulang batas dito.
Mismong sina Chancellor Angela Merkel at papapalit sa kanya bilang pinuno na si Olaf Scholz ang naghayag ng lockdown.
Ayon kina Merkel at Scholz, kinakailangan ang hakbang na ito upang mapigilan ang pananalasa ng pang-apat na daluyong o wave ng COVID-19 na nagsimula nang maganap sa buong Europa, kasama na ang Germany.
Isinama na rin bilang dahilan ang pagdating ng Omicron variant sa Germany at iba pang bansa sa European Community.
Kasama sa mga ila-lockdown ang mga bakunado na lumagpas na sa siyam na buwan ang huling pagkakabakuna subalit hindi ang mga nagkasakit at gumaling sa COVID-19.