Paul Salas, binayaran ng isang baklang negosyante ng P10 million para sa isang gabing date?



Puwedeng matikman ang katawang lupa ni Paul Salas sa halagang P10M.

Net na iyon, at hindi kakaltasan ng VAT o kung ano mang tax. Seryoso ba roon si Paul?

“Hindi naman. Ginagawang joke ko na lang yun,” nakangiting sabi ni Paul sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll Extreme (SRRE) nitong Nobyembre 24, 2023, Biyernes sa SM Megamall.

Meron kasing nagtanong kung puwede siyang maka-date for one night sa halagang P500,000, kalahating milyong piso. Ang asking price niya, P10M… presyong ayaw pala iyon!

“Presyong ayaw, so, huwag na nating entertain-in!” bulalas pa ng Kapuso young actor.

Paano kung may yayamaning bading na kumagat sa presyong iyon?

“May willing and able ba? Ha-ha-ha-ha-ha! Non-nego na yun. Ha-ha-ha-ha-ha!” pagtawa ni Paul.

“Pinapabayaan ko lang yun, joke na lang yun. So… medyo siyempre, kahit papaano, natutuwa… baka napopogihan o naha-hot-an, di ba?

“So kahit papaano, yung mga papogi ko sa post e napapansin nila. Yun naman ang importante sa akin.