May Babae si Mister: Paano Ang Gagawin?
Payo ni Doc Willie Ong
Noong nakaraang artikulo, naipaliwanag ko ang dahilan kung bakit nambababae ang kalalakihang Pinoy. Ito ay dahil sa isang kemikal sa ating katawan na kung tawagin ay Dopamine.
Kapag umiibig ang isang tao, tumataas ang Dopamine sa kanilang katawan. Ang kemikal na Dopamine ang nagbibigay ng pagkakilig at “high na high” na pakiramdam. Hinahanap-hanap ito ng katawan.
Ngunit pagkatapos ng 9 na buwan hanggang mga 3 taon ay unti-unti nang bumababa ang Dopamine sa ating katawan. Kapag nangyari ito, puwede nang magsawa si Mister (o si Misis) at dito na pumapasok ang temptasyon na humanap ng iba.
Ngunit huwag mangamba dahil mayroon akong payo kung paano pananatilihing mataas ang Dopamine sa katawan:
1. Para manatiling excited si Mister (at mataas ang kanyang Dopamine), bagu-baguhin ang iyong hitsura. Baguhin ang kulay ng iyong buhok at magpa-parlor.
2. Mag-date kayo ni Mister sa isang panibagong lugar. Para bang nag-ho-honeymoon kayo muli.
3. Bigyan ulit ng regalo, greeting card o love text ang minamahal. Huwag siyang baliwalain. Ibalik muli sa isipan ang inyong pagliligawan.
4. May mga eksperto ang nagpapayo na puwedeng magtalik sa iba’t ibang lugar para manatiling kapana-panabik ang inyong sex life.
5. Magsuot ng sexy na panloob. Iyan ang sikreto para biglang tumaas ang Dopamine ng mga kalalakihan. Natawa nga ako ng marinig ko ang payo ni Ms. Kris Aquino kay Ms. Jinkee Pacquiao. Ang sabi ni Kris, “Kailangan ay itaas mo ang skirt mo Jinkee, para hindi maghanap ng ibang babae si Manny.” Kung tutuusin, tumpak ang payo ni Ms. Kris. Kapag matagal na kayong nagsasama at marami nang anak, ay medyo magsasawa na si Mister.
6. Maligo palagi para laging mabango at kaakit-akit.
7. Huwag maging nagger. Kapag lagi mong sinisigawan si Mister, maghahanap siya ng karinyosang babae.
8. Magpapayat. Nakasisira ng sex life ang pagiging mataba. Sa mga sobrang overweight na lalake, nagiging maikli din ang kanilang pagkakalake dahil sa laki ng tiyan. Magpapayat ng 30 pounds at hahaba ng 1 inch ang iyong pagkalalake.
9. Mag-usap ng masinsinan. Payo sa mga lalake: Ang mga babae ay mas na-e-excite sa emosyonal na pangangailan (pagmamahal) at hindi lamang sa pisikal na aspeto ng sex. Lagi-laging suyuin si Misis. Ito po ang ating mga payo para manatiling masaya ang inyong pagsasama. Good luck po!
SEE ALSO 👇👇👇