IVANA ALAWI, INAMIN NA NAGKAKAUSAP SILA NG KANYANG CRUSH NA SI JOSHUA GARCIA 'AS A FRIEND'


Sa isang panayam kay Ogie Diaz, kinikilig na inamin ni Ivana Alawi na nagkakausap sila ng Kapamilya leading man na si Joshua Garcia. 

Hindi naman lingid sa publiko na si Joshua ang ultimat crush ni Ivana. Nabunyag ito dahil sa isang prank ng pamilya ng vlogger sa kanyan ng i-celebrate nila ang 2nd anniversary nito sa Youtube.



Maraming inihandang sorpresa ang kapatid ni Ivana na si Mona. Isa na rito ang compilation ng video greeting ng mga malalapit na kaibigan ng aktres kasama ang greetings ng crush nito na sina Joshua Garcia at Liza Soberano.