Sa kalayaan ng mga tao na maghayag ng kanilang damdamin sa social media ay kaakibat nito ang responsibilidad na maging maayos at hindi dapat kapana panakit sa iba ang bawat kumento mo.
Ngunit hindi na bago sa ating bansa ang makabasa ng mga below the belts na kumento lalo pa sa mga kilalang artista, lahat ng hindi magagandang kumento ay tiyak na pupukulin sila.
Sa kaniyang facebook post ay nagbahagi ang dating Rivermaya band member at singer-songwriter na si rico Blanco ng kaniyang litrato para sa mga followers niya.
Sa naturang post ay makikitang nakasuot ang singer ng plain black shirt, plain black baggy pants, black face mask at may nakasabit na tote bag na itim na may artwork na gawa ni Poklong Anading. Kaakibat pa ng post na ito ang caption na, “nakalabas lang ng gate nagpa pic na.”