Security guard died on duty due to heart attack; possibly, because of over fatigue!
May mga pamilya rin kami;
Mga bayani rin kaming matatawag!
Hindi lang dahil sa buhay din namin ang nakataya, bagkus ay sa aming tiyagang makapaglingkod kahit na karamihan sa amin ay kakarampot na nga lang ang sahod ay wala pang mga benepisyong natatanggap. Dagdag pa ang pangmamaliit at panggigipit sa amin.
Ano nga ba'ng basihan para maibilang na 'professional'?
Pinag-aralan? May pinag-aralan rin kami, english pa nga lahat ng isinusulat namin sa logbook. Mahirap nga lang maintindihan dahil sa military type of!
Kung uniporme naman, anong klase, anong kulay? Kasi, may uniporme rin kami! Madali nga lang madumihan! 'di ko na iisa-isahin ang mga dahilan 'pagkat malamang, marami ang nakakaalam--hindi lang tinitignan, dahil sa nakatatak na'ng ... "gwardiya lang!"