RENDON LABADOR RESTAURANT - Ang bagong bukas na resto ng kilalang motivational speaker at negosyante ay pansamantalang sarado.
Naganap ito noong Sabado, ika-25 ng Marso 2023 nang magsagawa ng grand opening ang Episode Bar + Kitchen, isang restawran na pag-aari ni Labador. Nagtatampok ang pagtitipon ng mga performer tulad ni Paolo Santos, LILY, Any Name's Okay, SUD, at DJ Justin San.
Ang tiket para sa grand opening ng resto na kasama ang dalawang libreng drinks at isang bar chow ay nagkakahalaga ng P2,000 kada tao. Ayon kay Rendon, naglaan siya ng 1.2 milyong piso para sa pagbubukas ng kanyang resto; 800K para sa fine dining at 400K para sa high end na mga inumin.
Gayunpaman, iginiit niya na walang sino man ang bumili ng tiket para sa grand opening ng kanyang resto. Bilang resulta, itinuro niya ang mga fan ni Coco Martin para sa zero ticket sales. Bilang paalala, nagpahayag ng kritisismo ang mga fan ng aktor-direktor laban sa tinatawag na motivational speaker dahil sa kanyang mga masasamang salita laban sa bida ng FPJ's Batang Quiapo.
Ngunit sa kanyang pinakahuling Facebook post, ibinahagi ni Rendon Labador na pansamantalang isasara ang kanyang bagong bukas na resto. "Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa ngyari. I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I'LL BE STRONGER THAN BEFORE," dagdag niya.
Sa isang anunsyo, sinabi ng Episode Bar + Kitchen na simula ngayong araw, ika-27 ng Marso 2023, sila ay pansamantalang sarado, at idinagdag na sila ay magbubukas muli sa lalong madaling panahon. Ang anunsiyo ay nagdulot ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens. May mga nagsasabing ito ay "karma."