Sikat na fliptop rapper timbog sa operasyon ng PNP laban sa illegal online gambling


Arestado ang walong lalaki na sangkot umano sa online illegal gambling sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa Balanga City, Bataan kahapon.

Sa video mula sa PNP- ACG, makikita na habang nagsasagawa ng online raffle ang dalawang lalaki, biglang pumasok ang mga operatiba at pinatigil ito.

Ayon sa PNP-ACG, nag-ugat ang kanilang operasyon nang magreklamo ang Philippine Amusements and Gaming Corp. (PAGCOR) sa kanilang tanggapan noong August 10. PAGCOR ang nangangasiwa sa ligal na sugal sa Pilipinas.