Listahan ng mga male celebrities na kum*ntot kay Keanna Reeves.


Pasabog ang ginawang pagbubulgar ni Keanna Reeves tungkol sa mga diumano'y nakatalik niyang male stars noon.

Ginawa ng sexy comedienne ang rebelasyong ito sa podcast na Good Times With Mo ni Mo Twister noong May 30. Kasama ni Mo bilang co-host sa naturang show si Mara Aquino.

Ayon kay Keanna, na hindi maamin-amin ang totoong edad, ang mga lalaki raw na ito ay halos nagsisimula pa lamang sa showbiz nang kanyang nakatalik.

"Out of curiosity" lang daw ang mga nangyari sa kanila o kadalasan ay one-night stand lamang.

Unang binanggit ni Keanna si Cogie Domingo.

Ayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition big winner, ilang beses daw silang nagtalik dahil nag-enjoy siya sa dating young star dahil magaling daw ito at may ipinagmamalaki pa.

“Nag-enjoy talaga ako dun siguro umabot kami ng one month,” sabi ni Keanna.

Kasunod naman na pinangalanan ni Keanna ang TV host-actor na si Luis Manzano.

Pagbubulgar pa niya, nanliligaw pa lamang daw noon si Luis kay Angel Locsin nang may nangyari sa kanila.

Matapos daw lumabas sa blind items at napangalanan na ang ugnayan nilang dalawa, hindi na raw nai-guest si Keanna sa mga programa ni Luis.

Kasunod na binanggit ni Keana ay si John Prats.

Ito raw ay nangyari paglabas nila sa Pinoy Big Brother house noong 2006.

Naging malapit daw sila sa isa’t isa ni John, pero pinili raw niyang iwasan ang aktor matapos may mangyari sa kanila dahil nagsisimula pa lang ito sa kanyang karera.

Binanggit din ni Keanna ang mga pangalan nina Jake Cuenca, Jay Manalo, at Joseph Bitangcol.

Ayon sa sexy comedienne, lahat ng mga male star na ito ay crush niya bago pa siya pumasok sa showbiz. At masuwerte raw siya na lahat halos ng crush niya ay nakasiping niya.

Marami pang ginawang rebelasyon si Keanna sa podcast tungkol sa kanyang sex life.
(c) Pep.ph