Jalosjos: Sa amin ang Eat Bulaga! kami ang may karapatang gumamit ng pangalan.

 


Sa parehong entablado kung saan inanunsiyo nina Tito SottoVic Sotto, at Joey de Leon ang pagkalas nila sa TAPE, Inc., pinili nina Romeo “Jon” Jalosjos Jr. at Seth Frederick “Bullet” Jalosjos na magsalita sa kauna-unahang pagkakataon tungkol sa pamamaalam ng TVJ.

Ibinigay ng magkapatid na Jalosjos ang kanilang panig sa masalimuot na pagtatapos ng 41 years ng tuloy-tuloy na ugnayan ng TVJ at ng TAPE, na nagsimula pa noong July 30, 1981 at, ikinalungkot ng marami sa loob at labas ng showbiz, ay nagtapos nitong May 31, 2023.

Ang entablado ay ang mismong stage ng APT Studios kung saan ginagawa ang live episode ng Eat Bulaga!, Lunes hanggang Sabado, mula noong December 8, 2018, nang ilipat ang EB mula Broadway Centrum, Quezon City, sa APT Studios sa Marcos Highway, Cainta, Rizal.

Pinili ng Jalosjos Brothers ang lulugaran ng interview, kasama na ang positioning ng malaking EB logo sa likod, nang magpaunlak ng exclusive interview sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).